Magkalaguyo, Arestado!

San Mariano, Isabela – Kulungan ang bagsak ng dalawang magsing-irog matapos na dakpin ng kapulisan ng San Mariano dahil sa kasong pakikiapid (Adultery).

Pasado alas siyete kaninang umaga ng isilbi ng mga awtoridad ang Mandamiento De Aresto laban kina Julie Ann Lugo Beltran, dalawamput siyam na taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Minanga San Mariano at ang kalaguyo nito na si Jaypee Taguba Gazmin,Tatlumput Siyam na taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Barangay Alibadabad sa nasabing bayan.

Batay sa nakuhang kaalaman ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ang dalawa sa loob mismo ng pinaglilingkurang bahay kainan ng ginang sa Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.


Agad na dinala sa himpilan ng Pulisya sa San Mariano ang dalawang suspek para sa kaukulang dokumentasyon saka iprinisinta sa hukuman at tuluyan ikulong sa Panlalawigan Piitan matapos na mabigong makapaglagak ng piyansa ang mga ito na nagkakahalaga ng Tatlumput Anim na libong piso(36,000).

Tag: 985rmncauayan, cauayan city, luzon, isabela, Julie Ann Lugo Beltran, Jaypee Taguba Gazmin,Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela, Barangay Alibadabad, pnp san mariano, pnp cauayan city, San Mariano PS

Facebook Comments