Tsuper, Timbog sa kasong paglabag sa RA 7610!

Roxas, Isabela – Arestado ang isang tsuper matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas otso kaninang umaga sa Brgy. Muñoz West, Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Raymund Agpalo Castillo, 33 anyos, may asawa, driver at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Roxas si Castillo matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa 2 counts na kasong paglabag sa RA 7610 o (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination).


Dinala na sa himpilan ng PNP Roxas ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Castillo kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansang P280,000.00.

Facebook Comments