Magkamag-anak nagpatayan dahil sa illegal drugs

87

Pasay City – Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng tsuhin sa Barangay 13 sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Jordan Cabarrubias, 35-anyos.


Ayon sa kasintahan ng biktima posibleng onsehan sa iligal na droga ang dahilan ng krimen dahil bigo ang kanyang boyfriend na mag-remit ng pera sa kanyang tsuhin na si alyas Catar.

Sa kuha ng CCTV camera, sinabayan ng motorsiklo ang isang jeep sa Barangay 13.

Nakasakay sa jeep ang biktima ng pagbabarilin siya ng kanyang tsuhin.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.




Facebook Comments