2 sugatan sa nangyaring aksidente sa Elliptical Road sa QC

44

Quezon City – Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang lasing na driver ng kotse matapos nitong araruhin ang concrete barrier at makadisgrasiya pa ng dalawang tao sa Elliptical Road sa Quezon City.

Sa ulat, unang nasagi ng taxi na minamaneho ni Ronnie Belotendos ang motorsiklo ni Mark Dela Cruz.


Agad na dumating ang mga pulis at mga rescuer ng Quezon City Risk Reduction Management Office para bigyan ng first aid ang motorcycle rider at manduhan naman ng mga pulis ang trapiko.

Habang isinasagawa ang first aid, biglang sumulpot at inararo ng kotse na may plate number na ABY-430 na minamaneho naman ng lasing na driver na si Espetch Belwa ang mga barrier kung saan nadaganan at nasagasaan si Dela Cruz at ang rescuer na si Poly Dagdag.

Agad na isinugod sa Quezon City General Hospital ang rescuer na si Dagdag at ang driver ng motorsiklo.

Dinala naman sa Traffic Sector 3 sa Camp Karingal ang mga driver ng taxi at kotse.

Facebook Comments