Magkamag anak, sugatan sa aksidente sa lansangan sa Las Piñas

Manila, Philippines – Sugatan ang magkamaganak na sina Franky at Michelle Magallanes nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang van sa Alabang-Zapote Road sa Las PiƱas alas dose ng hatinggabi.

Ayon kay Christian Corpuz, ang desk officer ng barangay Pamlona, papuntang Zapote ang kotse na itim na Toyota Vios habang papunta ng Alabang ang puting Toyota Hi-Ace nang magsalpukan sa kanto ng Real Street.

Malamang daw ay nag-counterflow ang isa sa mga sasakyan at nahirapan nang makapreno nang magkasalabungan.


Tinatawag na blind spot ang area dahil pakurba ang daan malapit sa pinangyarihan ng banggaan.

Nadala na sa pagamutan ang mga sugatn habang ang driver ng mga sasakyan na sina Adrian Anday ng Vios at Jhon Matthew Solaro ng Hi-Ace ay nahaharap sa imbestigasyon.

Facebook Comments