Magkapatid na Filipino MMA fighter, wagi matapos pabagsakin ang dalawang Thai MMA fighters

38

Nagwagi sa mixed martial arts ang magkapatid na Pinoy MMA Fighter matapos pabagsakin sa loob ng ring ang kanilang nakalabang Thai mixed martial arts fighter sa Bangkok, Thailand.

Unang sumabak sa laban ang si Drex Zamboanga na nagpakawala ng kumbinasyong suntok at sipa dahilan para tuluyang mapabagsak sa ring ang kaniyang kalaban na si Detchadin Sornsirisuphathin.

Sumunod namang nanalo ang kaniyang kapatid na si Pinay MMA Fighter Denice Zamboanga matapos talunin si Watsapinya Kaewkhong at makuha ang Women’s Atomweight title.

Sa ngayon ay record na siyam na panalo at limang talo na si Drex habang walong panalo at walang talo naman si Denice.

Facebook Comments