Magkapatid na menor de edad patay sa pagsabog sa Datu Saudi Ampatuan, 12 sugatan

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nangyaring pagsabog kahapon sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kung saan nasawi ang dalawang magkapatid na edad 7 at 10 anyos at sugatan naman ang labing dalawang iba pa
Sa panayam ng DXMY kay 6th Infantry Division Spokesperson Army Col. Edgardo Vilchez Jr., sinabi nito na improvised explosive device o IED na ginamitan ng mortar shell ang sumabog.
Sa inisyal na impormasyon nakalap ng militar, sinasabing nang mangyari ang pagsabog ay may namataang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fifgters o BIIF-Karialan faction, nagtanim umano ang mga ito ng IEDs.
Pinabulaanan naman ni Col. Vilchez ang alegasyon na galing sa militar ang sumabog na IED kahapon na ikinamatay ng dalawang bata at ikinasugat ng 12 na iba pa.
Anya, bagamat may naka-deploy na tropa sa lugar wala namang military operation na isinagawa.
Inihayag pa ni Col. Vilchez na sana ay maunawaan ng mga nagsasabi na galing sa militar ang sumabog na IED na may nagaganap na rido sa lugar kung saan sangkot ang BIFF-Karialan faction.
Ang mga inilatag na IED ng mga ito ay taktika ng ISIS Inspired group para kung sakaling may pumasok na tropa ng gobyerno sa area ay madadale nila.
Posible na nagkaroon ng “early detonation” ang mga itinanim na IED ng grupo dagdag pa ni Col. Vilchez.
Samantala kinilala naman ni Datu Saudi Chief of Police PCpt Melvin Laguding ang mga nasawing bata na sina Aslamiya 10 anyos at Sadam 7 habang kabilang sa wounded ang ina nilang si Noraisa Tambak
Naglalaro sa labas ng kanilang tahanan ang mga bata ng mangyari ang pagsabog ayon pa kay Cpt. Laguding sa panayam ng DXMY.
Sa report mula naman sa tanggapan ni BARMM Executive Secretary Abduloraof Macacua, kinilala nito ang iba pang wounded na sina Norsaid tambak 5 anyos,Said Ebus 7 anyos, Badria Ebus, 35, Aida Kembeg, 35 anyos, Tata Kembeg 30 anyos,Najima Pua 15, Jepu Pua 16 anyos, Muslima Tambak, 40 anyos,Mati Ali 45, Mia Elian, 20 anyos, Salonga Marcos, 21 Helen Dagedeban 20 anyos.
Bago ang pagsabog tatlong indibidwal pa ang naunang nasawi matapos pagbabarilin sa bahagi ng Datu Salibo Maguindanao.
CCTO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments