BIR, inatasang magtrabaho ng mabuti upang matustusan ng gobyerno ang mga hindi inaasahang gastos ng bansa

Manila, Philippines – Pinagdodoble kayod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa paniningil na buwis.
Matatandaan kagabi ay ipinatawag ni Pangulong Duterte si BIR Commissioner Caesar Dulay sa Malacanang kasama sina Finance Secretary Carlos Dominguez, at Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Dominguez, inatasan ng Pangulo si Dulay na pagbutihin pa ang koleksyon ng buwis.
Sinabi aniya ng Pangulo na kailangan itong gawin upang mapunan ang mga hindi inaasahang gastos ng Pamahalaan sa mga Natural Disasters at pati narin ang bakbakan sa Marawi City.
Nabatid na ngayong araw din ay pangungunahan ni Pangulong Duterte ang selebrasyon ng ika-113 anibersaryo ng BIR sa Quezon City.

Facebook Comments