Magkapatid na Wanted sa Batas, Natimbog!

*City of Ilagan, Isabela* – Arestado ang dalawang magkapatid na wanted sa batas dahil sa Paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 kamakailan sa Brgy. San Vicente, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jake Mateo, tatlumpu’t taong gulang may asawa at Marcial Mateo, tatlumpu’t apat na taong gulang, may asawa at pawang mga residente ng Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, nagsagawa ng operasyon ang Ilagan City Police Station sa pamumuno ni SPO3 Carlos Garcia matapos maglabas ng mandamiento de aresto si Andrew Bacena, hukom ng Regional Trial Court branch 17 para sa mga nasabing suspek.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9175 ang mga suspek na may karampatang piyansa na nagkakahalaga ng apatnapung libong piso kada indibidwal para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng PNP Ilagan ang dalawang suspek para sa kanilang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments