Cauayan City – Himas rehas ang dalawang magkasintahan matapos na maaresto ng mga awtoridad sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Ang suspek ay kinilalang sina alyas “Daisy” at alyas “Jack” parehong nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar.
Sa ikinasang operasyon, positibong nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang buy-bust item, P1000 buy-bust money, karagdagang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, wallet, ID, Cellphone, at iba pang non-drug items.
Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakuhang ebidensya, dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang dalawa para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.