Patay ang magkasintahan matapos malunod sa Zambujeira do Mar beach sa Portugal, bandang alas-2:30 ng hapon, Linggo.
Batay sa ulat, lumalabas raw na nagpunta sa tubig ang lalaki nang makitang nahihirapan na sa paglangoy ang kanyang partner.
Ayon kay Maritime Police chief Rui Pedro Silva Felipe, “He reached her but it was when they were coming back to the beach that they started drowning, maybe because they were tired.”
Agad raw pinuntahan ng mga nakakitang surfers ang dalawa nang mapansing nahihirapan at tila nalulunod ang mga ito at sinubukan pang irevive.
Umabot pa umano ang mga medical responders para mailigtas ang magkasintahan ngunit hindi ito nagtagumpay.
Ayon kay Felipe, dinala sa local health center ang dalawa at ang kanilang katawan ay dadalhin sa Beja kung saan sila isasailalim sa autopsy.
Samantala, hindi pa makumpirma ng pulisya ngunit pinaniniwalaang nasa naturang beach ang magkasintahan dahil holiday kasama ang kanilang mga kaibigan.
Tinataya namang nasa edad 34 ang lalaki samantalang nasa 33 ang babae.
Sinasabi ring ang naturang beach ay walang lifeguard mula noon pang ika-15 ng Setyembre.