Magkasintahan, pinagbabaril patay sa QC

Manila, Philippines – Patay ang magkasintahang matapos napagbabarilin ng riding in tandem sa loob ng isang kotse sa Brgy. Bagbag,Novaliches Quezon City.
  Kinilala ang mga biktima na  sina Mark Erickson Valdez 20 anyos at MariaCriz Patriarca 23 anyos.
  Batay sa imbestigasyo ng pulisya na mag-aalas siyete nggabi kagabi nang tambangan ng 3 nakabonet na kalalakihan ang kotseng kulay pulana Kia Rio na may Conduction sticker na EG-2513 na  sinasakyang ng magkasintahan sa Virgo St.Seminary Road Brgy. Bagbag Novaliches.ng naturang Lungsod.
  Napag-alaman  napagarahe na ang sinasakyang kotse ng magkasintahan matapos magpagawa ng laptopnang mangyari ang pananambang.
  Sinasabing kinatok pa umano  ng mga suspek ang salamin ng kotse atpinagbuksan naman ng mga biktima saka ito pinagbabaril kung saan namatay on thespot ang magkasintahan sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanilang mgaulo.
  Nabatid na dalawang buwan nang nagsasama ang mga biktimaat hiwalay na sa mga dating asawa.
  Tiningnan na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sapinangyarihan ng pananambang at isa sa mga tinitingnan din anggulo ng pulisyaay love triangle.
 

Facebook Comments