Lalaking nahulog sa creek, patay sa Malabon City

  • Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos mahulog sa isang creek sa Lapu- lapu Street kanto ng Pampano Street Brgy.Longos, Malabon City.
    Kinilala ang biktimang si Alfredo Lazo, 30 anyos residente ng Paco, Maynila.
    Ayon kay Raymond San Juan ng Malabon City Disaster RiskReduction and Management Office, pasado alas diyes kagabi nang mahulog ang biktima sa creek ng Dagat-Dagatan Avenue.
    Kwento ng ilang saksi, bago mahulog ang biktima aypasuray suray na ito ng lakad na parang lasing hanggang sa matumba ito at malaglag sa tubig.
    Dahil may kalaliman ang creek kinailangan pa ng tulong ng Philippine Coast Guard para sisirin ang ilalim na bahagi ng tubig.
    Tumagal ng halos tatlong oras ang Search and Rescue Operation kung saan patay na nang matagpuan ang biktima.
    Aminado ang mga rescuer na nahirapan silang hanapin ang bikitima dahil zero visibility sa creek dahil sa burak.
    Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Malabon PNP kung saan isinantabi na ng pulisya ang anggulo na foul play.
Facebook Comments