Magkasintahang Estudyante, Timbog sa Drug Buy Bust Operation sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang estudyanteng magkasintahan sa ikinasang drug buy bust operation ng mga pinagsanib pwersa ng Cauayan City Police Station, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa barangay Tagaran, Cauayan City.

Nakilala ang magkasintahang suspek na sina Richmond Magaspac na itinuturing na High Value drug Target ng awtoridad, 21 taong gulang, 4th year College student, residente ng Brgy. District 1, Cauayan City at Shane Talosig, 20 taong gulang, 4th year College student, at residente naman ng Brgy. Santor, Reina Mercedes, Isabela.

Ang dalawang suspek ay nag-aaral umano sa Far Eastern University at umuwi lamang sa Probinsya dahil virtual o online naman ang kanilang klase.


Batay sa ulat ng PNP Cauayan, isinagawa ang operasyon bandang 8:45 kagabi, September 8, 2021 partikular sa bypass road sa brgy. Tagaran kung saan nabentahan umano ng ni Richmond ang isang operatiba na nagpanggap na bumibili ito ng droga na siya namang nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang (1) ziplock plastic na naglalaman dried marijuana leaves na may fruiting tops, ang Php500.00 na buy bust money, labing isang (11) piraso ng tig-limang daang piso na boodle money, isang (1) glass tooter, isang (1) bitak na glass tooter, dalawang (2) lighter.

Nakuha din mula kay Richmond ang isang itim na belt bag kung saan dito nakuha ang anim (6) na piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, isang unit ng cellphone, pitaka na naglalaman ng pera (Php197.00), mga IDs, at ang susi ng kanilang sinakyang Van na may plakang UIA596 habang nakuha naman sa pag-iingat ni Talosig ang isang pitaka na naglalaman ng isang bala ng Caliber 9mm, Php80.00 coins, mga IDs at isang unit ng cellphone.

Pansamantalang naka piit sa lock-up cell ng pulisya ang dalawang suspek at sila’y nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw.

Samantala, sa panayam ng iFM News team kay Talosig, kanyang pinabubulaanan ang lahat ng ulat ng pulisya dahil ito’y gawa-gawa lamang aniya ng mga operatiba lalo na’t wala aniyang naganap na transaksyon o abutan ng pera at droga sa pagitan ng kanyang kasintahan at sa sinasabing poseur buyer.

Facebook Comments