Ipinahayag ng newly weds na sina Andy at Heidi ang pagkadismaya nang malaman na hindi pala legal ang kanilang kasal.
Ani ng mag-asawa, gumastos sila ng £46,000 o halos katumbas ng tatlong milyong piso sa kanilang kasal sa Carribean sa Jamaica.
Isinagawa nila ang plano at nag-ipon sa loob ng 18 na buwan nang magpa-book ng package sa isang agency sa nasabing bansa.
Ayon sa mag-asawa, hanggang sa araw ng kasal nila ay hindi naging matino ang serbisyo ng agency na kanilang kinuha at kinontrata.
Nadismaya sila Andy, 45, at Heidi, 49, dahil sa hindi masarap na pagkain ang hinanda ng resort at 3-star lamang ito sa halip na 5-star hotel.
Napahiya lamang daw ang newly weds sa mga bisita dahil sa hindi magandang serbisyo ng wedding organizer, agency at hotel.
Itinanggi naman ng agency ang responsibilidad sa hindi maayos na serbisyo.
Hanggang sa kasalukuyan ay dismayado pa rin sina Andy at Heidi sa ‘bangungot’ o wedding hell na karanasan agency na ito.