Magkasunod na lindol, yumanig sa Davao Oriental at Occidental Mindoro

Magkasunod na niyanig ng may kalakasang lindol ang Davao Oriental at Occidental Mindoro.

Alas-11:25 kaninang umaga nang yanigin ng 5.0 na magnitude na lakas na lindol angDavao Oriental.

Ayon sa PHIVOLCS, natunton ang pagyanig sa layong 054 km timog-silangang bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental.


May lalim itong 118 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Instrumental Intensities sa:

Intensity II – Tupi, South Cotabato; General Santos City; Alabel, Sarangani

Intensity I – Kiamba, Sarangani; Koronadal City

Samantala, bandang ala-1:03 ng hapon kanina ay nakaranas ng lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang Occidental mindoro.

Natunton ang sentro ng lindol 19km sa Hilagang Kanluran ng Abra De Ilog.

Facebook Comments