MAGKIKITA | China, muling bibisitahin ng Japanese PM matapos ang 7 taon

Sa unang pagkakataon mula noong 2011, muling bibisitahin ng Japanese prime minister ang bansang China bilang simbulo ng umiinit na relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang inanunsyo ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang.

Ayon kay Kang, ang pagbisita ni Japan Prime Minister Shinzo Abe sa October 25 hanggang 27 ngayong taon ay bilang tanda na rin sa ika- 40 anibersaryo ng Treaty of Peace and Friendship ng dalawang nasyon.


Aniya, pag-iibayuhin ng dalawang bansa ang multilateralism o partisipasyon ng magkabilang panig, gayun na rin ang free trade system.

Bago ang pagbisita, ilang beses na ring nagkasama sa mga international gathering sina Japan Prime Minister Shinzo Abe at Chinese President Xi Jinping.
Ngunit simula noong taong 2011, wala pang Japanese prime minister ang opisyal na bumisita sa China at wala pa ring Chinese president ang opisyal na bumisita sa Japan mula 2010.

Facebook Comments