Magkumpareng nag-iinuman, arestado matapos mahulihan ng baril

Quezon City – Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang Oplan Bakal ng Quezon City Police District – La Loma Station sa Old Samson Road, Balintawak kagabi.

Saktong natiyempuhan ng mga rumorondang pulis ang nag-iinumang sina Crispin Agum at Cristopher Loon sa isang restobar.

Napansin kasi ng mga pulis na may tila nakaumbok sa bandang bewang ni Agum kaya pinataas sa kanya ang suot na t-shirt at dito na nakita ang isang kalibre .38 revolver.


Dahil dito, agad na hinuli si Agum at kainumang si Loon.

Sa ngayon ay inaalam pa kung lisensyado ang nakumpiskang baril.

Samantala, timbog din sa parehong lugar ang tatlong lalaki nang maaktuhang nag-ooperate ng sakla o nagsusugal sa kalsada.

Hinuli ang mga ito dahil sa paglabag sa city ordinance na pagbabawal sa anumang uri ng sugal sa kalsada.

Facebook Comments