Construction worker, nahulog sa itinatayong gusali – patay!

Quezon City – Patay ang isang construction worker nang mahulog ito mula sa ikalawang palapag ng itinatayong gusali sa loob ng isang kilalang unibersidad sa Katipunan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, inaalis ng biktimang si Danilo Maala, 37-anyos, ang nakakabit na beam sa ginagawang gusali nang mawalan ito ng balanse at malaglag.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa tindi ng pagkakabagok ng ulo nito.


Sa ngayon ay iniimbestigahan pa at inaalam kung may pananagutan ang contractor ng gusali sa naturang insidente.

Facebook Comments