Maglive-In Parter na Nang-abandona ng Tatlong Buwan na Sanggol, Kinasuhan Na!

{"total_effects_actions":0,"total_draw_time":0,"layers_used":0,"effects_tried":0,"total_draw_actions":0,"total_editor_actions":{"border":0,"frame":0,"mask":0,"lensflare":0,"clipart":0,"text":0,"square_fit":0,"shape_mask":0,"callout":0},"effects_applied":0,"uid":"46793738-C0B7-4329-8152-4D8C9F467DC2_1495618742675","width":3264,"photos_added":0,"total_effects_time":0,"tools_used":{"tilt_shift":0,"resize":0,"adjust":0,"curves":0,"motion":0,"perspective":0,"clone":0,"crop":0,"enhance":0,"selection":0,"free_crop":0,"flip_rotate":0,"shape_crop":0,"stretch":0},"source":"editor","origin":"gallery","height":2448,"subsource":"done_button","total_editor_time":50,"brushes_used":0}

Santiago City, Isabela – Kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law ang ipinataw sa maglive-in partner na sina Roldan Mark Anthony Isaac at Riza Anol na pawang mga residente ng Barangay Pahinga Candilaria, Quezon Province.

Ito ay matapos inabandona ng dalawa ang sanggol sa kanilang inupahang kwarto kamakailan sa Barangay Cabulay, Santiago City.

Matatandaan na ipinaabot sa Santiago City Police Station 1 ng land lady na si Mrs. Carmelita Ramos ang ginawa nina Roldan at Riza na nagpaalam upang ihahatid lamang sa terminal ng bus ang kinakasama ngunit parehong sumakay ng bus papuntang Maynila.


Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1 na kasalukuyan rin ang ginagawang pag-iimbestiga ng pamunuan nito kung anak ng dalawa ang sanggol o kinuha lamang ng mga ito.

Samantala ang sanggol ay nasa pag-iingat parin ng City Social Welfare and Development.

Facebook Comments