Friday, February 27, 2026

Magna Carta of Barangay Health Workers, tinalakay na sa plenaryo

Sinimulan nang talakayin sa plenaryo ng Senado ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHWs).

Layon ng panukala na palakasin ang karapatan, benepisyo, at proteksyon ng mga frontliners sa antas ng barangay.

Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Health Chairperson Risa Hontiveros, binigyang-diin niya na ang primary health care ang pundasyon ng Universal Health Care (UHC), at nasa puso nito ang mga BHWs na araw-araw na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim ng panukala, magtatakda ng malinaw na pamantayan para sa registration, certification, at tuloy-tuloy na competency-based training ng mga BHW.

Itinatakda rin sa panukala ang minimum na buwanang benepisyo, hazard pay, insurance, legal assistance, at oportunidad para sa scholarship at civil service eligibility. Mayroon ding probisyon na nagsasaad na hindi maaaring bawasan ang mga kasalukuyang benepisyo ng mga BHW.

Facebook Comments