Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Magna Carta of Filipino Seafarers.
Sa botong 217 na pabor at wala namang pagtutol ay nakalusot na sa plenaryo ang House Bill 8057 na layong palakasin ang mga karapatan ng mga marino.
Nakasaad sa panukala ang pagtiyak sa maayos na working condition at terms of employment ng mga Pinoy seafarers.
Isinusulong din ang pagbibigay ng medical care at social protection sa mga marino.
Kinikilala rin sa panukala ang collective bargaining gayundin ang karapatan para sa iba pang oportunidad tulad ng educational advancement at training at free legal representation.
Pinagtatakda rin ang mga government financial institutions at private banks ng special credit o pautang sa mga marino na may subsidized interest rates na maaaring magamit para sa pangkabuhayan o pag-aaral.