Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11291 o ang “Magna Carta of the Poor”.
Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 12.
Layon ng batas na tiyaking mabibigyan ng access sa mga government services ang mahihirap gaya ng karapatan nito para sa pagkain, disenteng hanapbuhay, libre at dekalidad na edukasyon, bahay at mga serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa mga ahensya ng gobyernong sakop ng batas ay ang DOH, DSWD, DOLE, Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), DepEd, Commission On Higher Education (CHED), Tesda at ang Department Of Agriculture.
Inaatasan din ng batas ang dswd katuwang ang National Economic and Development Authority at ang National Anti-Poverty Commission na tukuyin ang mga target na benepisyaryo.
Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay ang mga indibidwal na ang kita ay mas mababa pa sa poverty threshold na itinatakda ng NEDA; at hindi kayang tustusan ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.