Magnanakaw, arestado sa Q.C

274

Manila, Philippines – Arestado ang isang magnanakaw makaraang pasukin nito ang isang bahay sa Brgy. Laging Handa Q.C.

Kinilala ang suspek na si Jack Dela Piña tinatayang nasa edad 35 pataas.

Sa initial na imbistigayon ng QCDP station 10 rumuronda ang mga brgy. tanod nang mamataan ang isang lalaki na nasa loob ng bahay sa 36b sa nasabing brgy.


Nagdahilan pa ang suspek, pero hindi nakalusot dahil alam ng mga tauhan ng brgy. na umalis ang may-ari ng bahay.

Ayon pa sa arestadong magnanakaw , nakabukas kasi ang pinto kaya sya natukso at pumasok.

Nabawi sa suspek, ang ninakaw na cellphone, sobre na may laman na tig 1k at tig iisandaang piso na ngayon hindi pa tukoy ang kabuoang halaga.



May CCTV naman sa lugar pero kabilang ito sa ninakaw ng arestadong suspek.

Gagamiting matibay na imbidensya lahat ng nabawi sa kanya para sa kasong pagnanakaw.


Facebook Comments