Magnanakaw ng LPG, nagbayad ng meatloaf sa ‘getaway’ tricycle

169
FILE PHOTO from pepper.ph

Tinutugis ngayon ng awtoridad ang isang lalaking nagnakaw ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) noong Nobyembre 8.

Ayon sa biktimang si Shane Villagracia, nakita sa CCTV footage na tila binabantayan ng magnanakaw ang LPG na nakalagay sa garahe ng bahay nila.


Makalipas ang ilang sandali, kinuha ito ng salarin at pumara ng tricycle para tuluyang makatakas.

Pero pati ang tricycle driver, hindi nakaligtas sa kasamaan ng suspek.

Kuwento ng rider, sa halip na pera, dalawang lata ng meatloaf ang ibinayad sa kaniya.

Nagtungo na siya sa kinauukulan at sinabi kung saan pumara at bumaba ang katawan.

Facebook Comments

From Advertisers