Magnanakaw ng motor, nasawi matapos barilin ng biktimang pulis

1405

Dead on the spot ang isang pinaghihinalaang magnanakaw ng motor sa lungsod ng Las Piñas, Linggo ng hapon.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Southern Police District, hinarang at tinutukan umano ng isa sa dalawang suspek ang biktima para agawin ang sinasakyang motor.


Mabilis na ibinigay ng lalaki ang kaniyang motorsiklo, na isa palang pulis.

Bago tuluyang makatakas, nagkaroon umano ng palitan ng putok sa pagitan ng mga kawatan at miyembro ng Las Piñas Police na si PCpl. Eric Jones Ambat.

Bumulugta sa kalsada ang suspek na kinilalang si Jayson Victorino, alyas ‘Tisoy’, nakatira sa Dasmariñas City Homes.

Arestado naman ang kasamahan nito na si Mico Pernia Gimong.

Nangyari ang insidente pasado ala-1:30 ng hapon sa kahabaan ng Barangay Manuyo Dos,

Kasalukuyang nakakulong ang nahuling ‘motornapper’ at haharap sa patong-patong na kaso.

Facebook Comments

From Advertisers