Pangulong Duterte, may malalim na dahilan sa paghirang kay bagong BuCor Chief Gerald Bantag

1559

Welcome sa Department of Justice ang pagtatalaga na ng Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

 

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, naniniwala siya na may magandang dahilan ang pangulo sa paghirang nito kay bantag na dating Manila City jail warden.


 

Sinabi pa ng kalihim na may total discretion at absolute prerogative ang presidente ng bansa sa pag-appoint ng pinuno ng Bu-Cor.

 

Dahil diyan, hindi na  anya kailangan pang kunsultahin siya sa kung sino ang dapat piliin ng pangulo.

 

Aminado naman si Guevarra na hindi pa niya nakaharap si Bantag lalo na’t galing ito sa Bureau of Jail Management and Penology.

Facebook Comments

From Advertisers