Magnanakaw ng plaka ng mga sasakyan, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na nagnanakaw ng mga plaka ng sasakyan sa Quezon City.

Ayon kay P/ Supt. Alex Alberto, Station Commander ng QCPD station 9, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nagbebenta ng mga nakaw na plaka sa halagang anim hanggang walong libong piso.

Aniya, aakalain mong flashlight lang ang dala ng suspek pero ito na pala ang gamit niya sa pagtanggal ng mga plaka.


Aminado ang suspek na kasama siya ng grupong nagnanakaw ng mga plaka pero hindi aniya siya ang mismong nagbabaklas nito sa mga sasakyan.

Hiniling naman ng mga otoridad na huwag munang pangalanan ang suspek dahil patuloy ang hot pursuit operation sa mga kasamahan nito.

Facebook Comments