Provincial jail guard, patay nang pagbabarilin sa Cagayan

Manila, Philippines – Patay ang isang provincial guard sa bayan ng PeƱablanca, Cagayan matapos pagbabarilin.

Dead on the spot ang biktima na si Michael Benedict Battung, 60-anyos na nagtamo ng pitong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Ayon kay Joefferson Gannaban ng PNP PeƱablanca, kabababa lang ng biktima sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay.


Aniya, lulan ang nasa dalawa hanggang tatlong mga suspek sa isang puting SUV.

Narekober sa Crime Scene ang labing-isang fired cartridge ng cal. 45 at cal. M16 na baril.

Kwento ng asawa ng biktima, nakatanggap siya ng text message mula sa isang hindi kilalang tao na ang mister niya at kanyang anak ay gumagamit ng shabu.

Facebook Comments