Magnificent 7, pinag-aaralan pa kung maghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema laban sa Martial Law

58

Manila, Philippines- Pagaaralan pa lang ng mga petitioners sa mababang kapulungan ang naging basehan ng desisyon ng Korte Suprema para katigan ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga petitioners, gusto muna nilang makita ang desisyon saka paguusapan kung dapat pa bang maghain ng motion for reconsideration para dito.

Hindi pa aniya sila makapagdesisyon talaga dahil nais nilang makita ang naging basehan ng desisyon.


Aminado si Lagman na mahihirapan silang ipabasura ang batas militar at mabago ang desisyon ng mga mahistrado.

Nanindigan naman si Lagman na handa pa rin sila sa Magnificent 7 na tutulan ang martial law sa Mindanao.

Facebook Comments