Magnificent 7 sa Kamara, malabo ng maghain ng Motion for Reconsideration vs. Martial Law

Manila, Philippines – Posibleng hindi na itutuloy ng mga petitioners sa Kamara ang paghahain ng Motion for Reconsideration para mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpabor sa Batas Militar sa Mindanao.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi na kakailanganin ang MR dahil aminado silang may bilang ang Pangulo sa deklarasyon nito sa Batas Militar.

Bukas ay pag-uusapan nila ito sa Magnificent 7 dahil hindi pa naman nila nakikita ang detalye ng buong desisyon ng SC.


Sinabi ni Alejano na hindi nangangahulugan na isusuko nila ang laban sa pagkontra sa Batas Militar.

Mayroon aniyang safeguards ang martial law na siya nilang babantayan at kailangan may matibay na basehan sakaling i-e-extend pa ang batas militar sa Mindanao.

Facebook Comments