Bantang ethics complaint, hindi ikinatinag ni Senator Trillanes

133

Manila, Philippines – Welcome kay Senator Antonio Trillanes IV ang anumang reklamong isasampa laban sa kanya sa Senate Ethics Committee.

Tugon ito ni Trillanes sa pahayag ni Senator JV Ejercito na panahon para sampahan ng ethics compliant si Trillanes matapos nitong tawagin na duwag, tuta o puppet ng administrasyong Duterte ang mga senador.

Gayupaman, ipinagtataka ni Trillanes kung bakit itinuturing na offensive ni Ejercito ang nabanggit niyang pahayag pero katanggap-tanggap naman dito ang rape joke ni Pangulo Rodrigo Duterte sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.


Diin ni Trillanes, mukhang may problema kung ganito ang punto ni Ejercito.

“… If Sen. Ejercito believes that my statement that the Senate is becoming a lapdog of the Duterte administration is highly offensive yet sees nothing wrong with Duterte’s rape comments to the soldiers, then we really have a problem,” pahayag ni Senator Trillanes.

Facebook Comments