Umupo na sa opisina ang “Magnificent Seven” na sina Joy Belmonte, Francis Zamora, Isko Moreno, Vico Sotto, Emi Calixto-Rubiano, Toby Tiangco at Lino Cayateno, nahalal na pitong mayor ng siyudad sa Metro Manila.
Tinawag itong Magnificent Seven ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, dahil sila ang bagong pumalit sa incumbent mayors ng pitong siyudad.
Nanumpa si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila at natalo niya ang dating pangulo na si Joseph “Erap” Estrada. Sinabing “dethroning a giant” ang pagkakapanalo nito.
Si Vico Sotto, nanumpa na bilang Pasig City mayor ang nanalo laban sa 27 na taong pamamahala ni Bobby Eusebio sa siyudad.
Nanumpa na rin si Joy Belmonte kung saan ay natapos ang termino ni Herbert Bautista bilang mayor ng Quezon City.
Si Francis Zamora naman ang bagong mayor ng San Juan kung saan natalo niya si Jannela Estrada, anak ng dating senador na si Jinggoy Estrada at apo ni dating pangulo Joseph Estrada.
Si Lino Cayetano naman ang bagong mayor ng Taguig City kung saan natalo niya si Arnel Cerafica na nasa ilalim ng PDP- Laban.
Matapos naman na mag-serbisyo ng tatlong termino sa House of Representatives, si Toby Tiangco naman ang bagong mayor ng Navotas.
Si Emi Calixto- Rubiano naman ang pumalit sa kaniyang kapatid bilang bagong mayor ng Pasay City. Si Antonio Calixto ngayon ay lone representative ng siyudad sa lower house.
Nagkita-kita at dumalo ang pitong mayor sa isang orientation meeting nitong Hunyo 27.