Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Occidental Mindoro, kaninang alas-9:05 ng umaga.
Ayon sa PHILVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Rizal.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometro.
Pero sa ulat ng U.S Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig sa lakas na magnitude 5.7.
Nagbabala naman ang PHIVOLCS sa mga residente sa lugar na mag-ingat sa inaasahang aftershocks.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang mga otoridad.
Facebook Comments