
Muling niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang katubigan ng Manay, Davao Oriental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang niyanig ng magnitude 5.8 na lindol sa 101km hilagang silangan ng naturang lugar na may lalim 10km at ang origin ay tectonic.
Naramdaman ang intensity ng lindol sa ilang mga lugar kabilang na ang;
Instrumental Intensities:
Intensity I – CITY OF DAVAO; City of Digos, DAVAO DEL SUR; Malita and Sta. Maria, DAVAO OCCIDENTAL; Nabunturan, DAVAO DE ORO; Malungon, SARANGANI
Makalipas ang labing-siyam na minuto ay tumama naman ang 5.2 magnitude sa 97km hilagang-silangan ng katubigan ng Manay, Davao Oriental, alas-10:19 kanina.
Kung saan may lalim din itong 10 at tectonic ang origin.
Naramdaman naman ang lindol sa ilang mga lugar kabilang na ang;
Instrumental Intensity
Intensity II – Nabunturan, Davao De Oro.
Ayon sa PHIVOLCS na ito ay aftershock matapos ang magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa lugar nitong Biyernes.
Samantala, muling niyanig naman ng 4.0 na lindol ang Bogo City sa Cebu alas-10:05 ng umaga.
Kung saan may lalim din itong 10km at tectonic ang pinagmulan nito.
Ito rin ay aftershock bunsod ng nangyaring 6.9 na lindol sa naturang lugar nitong September 30.
Naramdaman ang lindol sa Tabuelan, Cebu kung saan naitala sa lugar ang Intensity 2 ayon sa PHIVOLCS.
Wala namang inaasahang pinasala ang ahensya sa nangyaring lindol.









