MAGNITUDE 5.9 | Japan, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Hokkaido, Japan.

Ayon sa U.S. Geological survey – may lalim itong walong kilometro.

Ang sentro nito ay nasa 107 kilometero hilagang silangan ng Shibetsu.


Mababa ang posibilidad na magkaroon ng casualties at pinsala.

Nitong Setyembre, tinamaan na ng 6.6 magnitude na lindol ang lugar na nagdulot ng landslides, pagkasira ng ilang bahay at kumitil ng higit 40 tao.

Facebook Comments