WEATHER UPDATE | Easterlies at ITCZ, nakakaapekto sa bansa

Patuloy na umiiral ang dalawang weather systems sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendonza – ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.

Magdadala ang ITCZ ng thunderstorms sa mga rehiyon.


Mainit at maalinsangang panahon naman ang hatid ng easterlies sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

Pero ang Bicol Region ay magkakaroon ng mga pag-ulan dulot ng ITCZ.

Ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa lahat ng baybayin sa bansa.

Facebook Comments