MAGNITUDE 6.0 | PRRD, ikinalungkot ang pagtama ng lindol sa Indonesia

40

Ikinalulungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtama ng magnitude 6.0 na lindol sa Indonesia.

Ayon sa Pangulo – bumabangon pa lamang ang taga-Indonesia sa pagtama ng magnitude 7.5 na sinundan ng tsunami nitong Setyembre ay muli silang pinadadapa ng bagong lindol.

Una nang tiniyak ng Pangulo na handa ang Pilipinas na magpaabot ng tulong sa mga nabiktima ng lindol at tsunami.

Sa huling datos, nasa tatlo na ang nasawi sa bagong lindol.

Facebook Comments