Magnitude 6.6 na lindol, tumama sa Vanuatu

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Pacific Island nation na Vanuatu.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ito 178 kilometers northwest ng Port Vila at may lalim na 179 kilometers.

Mababa lamang ang posilbeng maiiwan nitong pinsala.


Wala namang inilabas na banta ang pacific tsunami warning center.

Tulad ng Pilipinas, ang Vanuatu ay sakop ng Pacific “ring of fire” kung saan madalas magkaroon ng lindol at volcanic activities.

Facebook Comments