SRP para sa manok, hindi nasusunod

Tumaas ang presyo ng manok sa kabila ng pagbaba ng farm gate price nito.

Ayon sa United Broiler Raisers Association President Bong Inciong – ang farm gate price ng manok ay aabot lamang sa halos 85 pesos, pero ang umiiral na presyo nito ay sumisipa sa 150 pesos.

Hindi rin nasusunod ang SRP nito na naglalaro sa 131-134 pesos.


Sabi naman ni Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer – hindi na dapat nakapako sa farm gate price ang SRP.

Aminado ang DTI at agriculture department na mahirap ipatupad ang SRP dahil sa kakulangan ng tao.

Facebook Comments