Magnitude 7.3 na lindol, tumama sa karagatan ng Japan kagabi

Isa ang nasawi habang nasa 88 ang sugatan matapos tumama ang Magnitude 7.3 na lindol sa Japan kagabi.

May lalim na 60 kilometro ang episentro ng lindol na naitala sa karagatan ng Fukushima pero naramdaman din ito sa malaking bahagi ng Japan kabilang na sa Tokyo.

Matatandaang 11 taon na ang nakalipas ay tumama sakanila ang Magnitude 9.0 na lindol na nagdulot ng tsunami at ikinasawi ng libu-libong katao.


Wala namang naging pinsala ngayon sa Fukushima Nuclear Power Plant na nasira noong 2011 dahil sa tsunami.

Kasunod nito, sinabi ng Japan Meteorogical Agency na asahan pa ang mga malalakas na aftershocks hanggang sa mga susunod na araw.

Samantala, nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng naitalang pagyanig.

Facebook Comments