MAGNITUDE 7 | Alaska, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Southern Alaska kaninang ala una y media ng madaling araw, oras dito sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological survey, ang sentro ng lindol ay naitala, 11 kilometro ng North Anchorage, ang pinakamalaking siyudad sa lugar.

May lalim na 40.9 km ang lindol, dahilan kung bakit naglabas na rin ng tsunami alert para sa coastal areas.


Base sa pinakahuling impormasyon, nasa 40 aftershocks na ang naitala, kung saan 10 dito ay nasa magnitude 4.

Naglabas na ng declaration of disaster si Alaska Governor Bill Walker. Ibig sabihin, gagamitin ng mga public officials ang kanilang kapangyarihan upang makapagligtas ng buhay. Kung kinakailangang mag-impose ng emergency situation ay ipatutupad ito at pananagutin ang mga indibidwal na hindi makikipagtulungan sa mga mandatory evacuation at rescue efforts.

Facebook Comments