Magnitude 8.1 na lindol sa Mexico, pinakamalakas sa loob ng isang siglo

Mexico – Itinuturing ang magnitude 8.1 na lindol na tumama sa Mexico bilang pinakamalakas na lindol na tumama sa loob isang siglo (century).

Ito’y matapos umabot ng 58 tao ang nasawi.

Ayon kay Mexican President Enrique Peña Nieto – mula sa Mexico City, naramdaman ang lindol hanggang Guatemala City.


Aabot sa 50 milyong tao mula sa kanilang bansa ang nakaramdam ng pagyanig.

Nabatid noong Setyembre 1985, aabot sa 9,500 na tao ang namatay sa magnitude 8.1 na lindol.

Facebook Comments