Magnolia, pasok na sa Philippine Cup finals matapos talunin ang Meralco

55

Pasok na sa 2021 PBA Philippine Cup finals ang Magnolia Hotshot matapos talunin ang Meralco Bolts sa score na 93-85 sa Game 6 ng kanilang best-of-7 semifinals game sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Bumida sa Hotshot si Ian Sangalang na nakagawa ng 19 points, 14 rebounds, six assists, at three blocks.

Habang tig-16 puntos naman ang naidagdag nina Mark Barroca at Rome dela Rosa.


Sa ngayon, hihintay na lang ng Hotshot ang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga na maghaharap sa do-or-die Game 7 sa Linggo, October 17.

Facebook Comments