Health Secretary Francisco Duque III, handa nang humarap muli sa pagdinig ng Senado tungkol sa maanolmayang pagbili ng COVID-19 supplies

183

Inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na susulat siya sa Palasyo ng Malacanang para humingi ng pahintulot dumalo muli nagpapatuloy na pagdinig ng Senado tungkol sa maanolmalyang pagbili ng COVID-19 pandemic supplies.

Ayon kay Duque, mas makakabuti kung dadalo na sila sa pagdinig para lumabas na ang totoong katotohanan.

Aniya, nais na rin niyang matapos ang kontrobersiyang ito.


Matatandaang nagpalabas ng memorandum si Pangulong Rodrigo Duterte na pumipigil sa mga Cabinet members na dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearings.

Pero nilinaw ni Duque na bago pa man lumabas ang kautusang ito ay ‘100 % in attendance’ na ang ahensya sa mga naunang pagdinig.

Facebook Comments