Manila, Philippines – Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga kaso ng HIV-AIDS sa bansa.
Sa interview ng RMN kay Health Secretary Francisco Duque III, nakakabahala ang mabilis na pagtaas ng kaso nito kung saan aabot na sa 55,000 ang kabuuang bilang nito.
Dahil dito, patuloy ang paghikayat ng health department sa publiko na magpa-HIV test lalo na ang mga taong maraming sexual partner.
Tiniyak din ng DOH na mayroon silang mga nakahandang gamot para sa sinumang mada-diagnose na HIV positive.
Patuloy din ang kanilang kampanya sa mga eskwelahan at mga local government units para ipaalam sa mga kabataan ang panganib na dulot nito.
Mahalaga rin aniya na magkaroon ng local aids council sa bawat munisipalidad na makatutulong para makapagibigay ng impormasyon hinggil sa HIV.