Manila, Philippines – Pwede nang makapangutang ang mga miyembro at pensioner ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng pagbaha dulot ng hanging habagat.
Ito ay matapos buksan ng sss ang kanilang loan assistance program para magbigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng masamang panahon.
Aabot sa ₱863 million ang inilaan ng SSS para sa programan ito.
Ayon kay SSS President at C.E.O Emmanuel Dooc – higit 61,000 na miyembro at pensyonado ng SSS ang naapektuhan ng pagbaha kaya nila inilunsad ang loan assistance program.
Maaring mag-avail ng calamity loan assistance program ang mga aktibong miembro ng sss na nakatira sa mga apektadong lugar ng kalamidad na idineklara sa ilalim ng state of calamity ng NDRRMC.
Gayundin, ang mga pensyonado sa nasabing lugar ay maaaring mag-advance ng tatlong buwang pensyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta ang mga miyembro at pensioners sa pinakamalapit na SSS branch, tumawag sa SSS hotline sa 920-6446 hanggang 55, o magpadala ng email sa member_relations@sss.gov.ph.