Magpinsan na Nanggahasa sa isang Waitress, Kinasuhan na!

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang sinampahan ng kasong panggagahasa ang magpinsan na nanghalay sa isang Waitress sa Brgy Faustino, Cauayan City, Isabela.

Ito’y matapos gahasain ng magpinsan na itinago sa mga pangalang ‘Kaloy’, 28 anyos, may asawa at ‘Cardo’, 35 anyos na kapwa residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela ang biktimang itinago sa pangalang ‘Lorna’, 29 anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, niyaya umano ang biktima ng kanyang mga kabarangay na mag-inuman na pinaunlakan naman nito at nakainuman ang dalawang suspek.


Nang pauwi na ng kinagabihan ang biktima ay sinundan umano siya ng mga suspek at dito isinagawa ang panghahalay sa kanya.

Inamin naman ng dalawang magpinsan ang ginawang panghahalay sa biktima.

Nasa kustodiya pa rin ng PNP Cauayan ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong rape.

Facebook Comments