Magpinsan sa Maguindanao, patay matapos sumabog ang hinihinalang granada na kanila umanong pinaglaruan

337

Nasawi ang dalawang binatilyo mula Raja Buayan, Maguindanao matapos masabugan ng hinihinalang granada.

Ayon sa report ng pulisya, nitong Biyernes ay pinaglaruan umano ng dalawa ang isang “unexploded ordnance” nang sumabog ito malapit sa himpilan ng mga awtoridad.


Sabi ng Rajah Buayan police, una na raw naglaro ng jolen ang magpinsan hanggang makakita raw sila ng matigas na bagay.

Pinagpapalo daw nila ito hanggang sa sumabog.

Sa ngayon ay naghahanap pa raw ng ebidensya ang mga pulis para makumpirmang granada ang sumabog.

Pinayuhan naman ng awtoridad ang mga residente sa lugar na agad iulat sa kanila sakaliny kahina-hinalang bagay para maiwasan umano ang ganitong klase ng trahedya.



Facebook Comments