CS Exam sa Agosto, Kanselado Pa rin!

41

Cauayan City, Isabela – Maliban sa naunang pagkansela ng paper and pencil professional and subprofessional examination ng Civil Service noong nakaraang Marso ay kanselado pa rin ang nakatakdang pagsusulit sa darating na Agosto.

Ito ang kinumpirma ni Civil Service Commission Regional Director Nerissa Canguilan.

Ayon sa Director, bunsod pa rin ito sa bantang dala ng COVID-19 pandemic.


Kasabay nito ay ang rekomendasyon ni Canguilan na adaptation ng digital platforms sa pagtanggap ng bagong empleyado ng pamahalaan at maging ang ilan pang government related transactions.

Kasama sa suhestiyon ang pagtanggap ng appointmrnts at dokumento mula sa online application lalong-lalo ang mga posisyon sa pamahalaan na kailangang kagyat na mapunan.

Dagdag pa ni Canguilan, maaari naman magsagawa ng virtual interview at oath taking kung kinakailangan.



Ito ay para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong tanggapan.

Nanawagan din si Canguilan sa iba pang government agencies na pag aralang mabuti ang posibilidad na pagsusulong ng digital transactions sa mga kliyente lalong-lalo na sa mga itinuturing na frontline services na tumutugugon sa napakaramaning pang araw araw na transaksiyon.


Ang mga ito ay bilang tugon pa rin at para makaagapay sa nararanasang tinatawag na new normal sa kasalukuyan.

Facebook Comments